memorable things
thursday, 10 november 2005
na-time space warp na naman ako sa taping. parang hindi ko alam kung umaga pa ba o gabi na, kung umuulan o maaraw.
masaya dahil for the first time walang delays at walang problema sa taping.
wala akong pakialam sa wazzup!
friday, 11 november 2005
ang saya ng birthday celebration ni erwin. cerveza negra + margarita + zombie + i've never = halikan galore! kahit kill joy si jerik at ellaine!
nakita ko ulit ang mga friends ko from college/kule. na-miss ko sila!
parang hindi nako makapag-construct ng sentence.
masaya lang!
saturday, 12 november 2005
favorite day ko ang saturday. lalo na kapag walang trabaho, magkasama kami ni bunso.
nagkita kami sa abs, sumakay kami ng mrt, bumaba kami sa ayala, nilakad namin papuntang glorietta, tumingin kami ng sine, kumain muna kami sa almon marina, tapos nanuod kami ng flightplan, maganda, tapos nilakad ulit namin from glorietta to greenbelt 1, nanuod kami ng nina's tragedies - israeli film festival, maganda. tapos nag-mrt ulit kami papuntang robinson's galleria, bumili kami ng popcorn, nanuod kami ng ilusyon, hindi maganda. nakakapagod pero masayang masaya. haay...
sunday, 13 november 2005
tanghali nako nagising.
late nako pumunta para sa taping pero ok lang. walang pressure
ok lang ang taping, wala nang effort dahil kabisado na namin ni mae ang linggo.
in-offer na naman ni ms noemi ang wazzup, as usual wala akong magawa!
i hate mondays, kelangan ko na namang pumasok ng 9:30 bukas! bahala na!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home