unang angas
nakaka-miss lang mag-isip. para sa sarili and not for the c,d,e female market. nakaka-miss lang magsulat ng full length articles at makipag-intellectual discourse with old friends. nakaka-miss lang mag-critique ng pop culture, mag-deconstruct ng television shows ng abs-cbn. nakaka-miss lang mag-integrate sa masa, sa mga magsasaka, mangingisda, mga biktima ng human rights violations, political detainees. nakaka-miss lang makialam.
parang ang bobo ko na lang kasi these days, ang babaw, ang mekanikal, ang rutinaryo. dati ayaw ko ng office cubicle, ngayon wala nga akong cubicle pero nakapako naman ako sa office table, nilulunod ang sarili sa panonood ng cable, pagi-internet, pagigiging "creative." magbabasa ako ng dyaryo, magazines, magu-update ng sarili kung ano na bang bagong sine, anong hit na tv show dito sa pinas and abroad, anong usong sayaw, kanta, anong bagong konsepto.
para ano. para gumawa ng mga bobong show, na biro breakthrough, para sa market ng abs-cbn, na from the long experience in tv ng boss ko, ang bobong masa na hindi marunong mag-spell, hindi kayang makaintindi ng multiple points of view, walang concept ng school, paaralan, korte, at kailangang ini-spoonfeed dahil hindi nga madaling makaintindi.
pero feeling ko mas bobo ako, dahil mas pinipili kong maging mababaw, mekanikal, at rutinaryo. mas pinipili kong sumulat ng one minute vtr script tungkol sa cooking proper. mas pinipili kong wag makialam, magbingi-bingihan, magtanga-tangahan. kaya ngayon, hindi nako makapalag, hindi nako makapag-isip. ang bobo ko lang.
vj, dada, reagan, birung nami-miss ko na kayo. help.

4 Comments:
hey there! mmm anong gagawin mo pag nabasa na lang to ng mga unit heads, esp ecs? wazzup wazzup xavier!
6:23 AM
x tara! lets discuss at i-integrate ang masa, mga magsasaka, mangingisda, mga biktima ng human rights violations, political detainees... pakelaman natin at ifeature sa ating cooking show...makuha ka sa..mmm....joke lang haha! labyu!jeljel
6:25 AM
grabe o ano na, hindi na nasundan yung unang angas mo. what's wrong, nagchicken out ka?! hah! makuha ka sa tikim...oops di pwede, diet ka pala!
12:06 AM
hi xavier! kenneth ito. angas mo ha.=) hindi pa naman too late para muling makialam =)
5:05 PM
Post a Comment
<< Home