tampo na me
sorry blog dahil ang tagal ko nang walang entry.
siguro pinarusahan ako ni lord dahil hindi nako nagsusulat ng blog entry kaya't ngayon binigyan niya ko ng so much time to spare na hindi ko naman hinihingi. thank you lord.
wala na ang office ko, and i hate this nomadic lifestyle. wala nakong mapagtaguan ng rubber shoes at mga kung anu-ano pang gaheto na hindi kasya at di kailangang ilagay sa bag. wala na ang desktop computer na kahit naka-surf control ay malaya kong nagagamit kahit kailan. nagtampo yata sakin ang mesang nabibisita ko lang 'pag pagod nako sa buong araw ng pakikipag-meeting at pag-raket kung saan-saan. totoo ka, kung sino ka mang nagsabing nakikit amo ang value ng tao (o bagay) kung wala na siya.
kaya't para sa inanimate objects na hindi ko napahalagahan, i'm sorry and i miss you.
naniniwala pa rin naman akong change is good, kahit nara-rattle ako sa dami ng life and career-changing events this year. all for the good and betterment of society ito!
pag nagbo-blog talaga ako, tinatakasan ako ng salita at ideas. ewan ko ba parang naba-blangko ako. bakit ba? ano bang meron?
